Sunday, June 26, 2011

Intindihin O Wag Nalang Pansinin

"Tanggapin ang karamdaman upang ang paggaling ay mapaladi"
napakadaling sabihin para sa ating mga walang nararamdaman, sa ilang mga walang sakit, sa ibang may mga sakit na maaring gumaling, sa mga may sakit na nakamamatay. Kasama sa pagtanggap ang pagpawi ng buhay sa mga susunod na araw. Mawawala kana kaya't sa katotohanang maari mong ipaalam ang sakit mo upang maging makabuluhan ang natitira pang buhay. Pagtanggap na maging sa paligid mo ay tatanggapin ka dahil ikaw ay may "SAKIT"
Ngunit pano nga ba kung ang sakit mo ay di matanggap ng iba, pano mo sasabihing kaya mong sabihin sa iba kung ang kapalit nito ay panghuhusga at paglayo nila. Pano mong sasabihing dapat mong tanggapin ang sakit mo upang kaw ay gumaling..

Si Marie, isang kaibigan, di man masasabing magkalapit kami pero itinuturing ko na isang kaibigan. Lumaki ng maayos sa isang magandang pamilya. May magandang trabaho ang ama at isang mabuti at negosyanteng ina. Nagsimula ang lahat ng pumasok sya sa isang Unibersidad. Isang pangarap at karangalan sa kanya ang makapasok dito. Ngunit ilan sa mga naging balakid upang makapagpatuloy sya ng pag-aaral dito ay ang pisikal at mentalidad na kapaguran, sanhi upang sya ay magdesisyong talikuran nag pangarap. Sa panahon ng kanya inilagi dito nakilala nya ang unang lalakeng nagmahal sa kanya at minahal nya. Si raman, umusbong ang pag-iibigan na naging sanhi upang malimutan nya ang pagkabigo ng kanyang mga pangarap. Lumipas ang ilang panahon habang ang pait ng pagkabigo at natatabunan ng pag-ibig ng ang Kamatayan ang nagpasyang sila'y paghiwalin. hindi pa nakakaahon sa sakit ay isang sakit muli ang kanyang nadama. Tuluyang lumaya ang kanyang pag-iisip. Hindi na nya namamalayan ang kanyang ginagawa. Tumatakbo sya ng 10 kilometro sa kalagitnaan ng gabi upang ang pagod ang kanyang maging sandigan upang saglit na malimutan ang nararamdaman. Dinapuan sya ng isang karamdaman. Tuluyan na syang nawala sa sarili. Ito narin ang dahilan upang lisanin nila ang kanilang tahanan upang makaiwas sa usapan ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Lumipas ang panahon, nakalimot sya ng dahil narin marahil sa muling pagdapo ng pag-ibig na naging daan upang ang sugat ay tuluyang maghilom kasabay ng patuloy na panggagamot sa kanyang karamdaman. Biniyayaan sila ng isang anak na lalake. Pero bakit kung maayos na ang lahat isang problema muli ang dumarating. Isang karupukan ang sumira sa kanilang samahan upang pagpasyahan nya na lisanin ang kabiyak. Hinayaang sumama sa pinili nitong bagong pagmamahal.
Ilang taon ang lumipas..ilang panahon ginugol nya sa pagpapalaki ng kanyang anak ng mag-isa katuwang ang ina at ang kapamilya. Nalimutan ang sakit na dulot ng kabiyak. Uminom ng mataas na gramo ng kanyang gamot.
Halos nagiging normal na ang lahat, Sinusubukan nyang bawasan ang kunsumo ng kanyang gamot gang sa tuluyan nyang iwasan ang pag inom nito sa pag-asang maayos na ang lahat. Na di na nya kailangan umasa sa mga gamot upang normal. Umasang MAGALING na sya.
Muli sa trabaho natuto muli syang magmahal. Si Elmo. Masaya sila kung magkasama, madalas sila lumabas. Masarap na tawanan, mabuting kausap at maasahan. Yan ang tingin ni Marie sa kanya. Dahilan upang muling mahulog ang loob nya dito. Patuloy ang kanilang mabuting samahan na lubos na inakala ni Marie na ito ay may pagmamahal din sa kanya. Lubos nyang minahal si Elmo.
Isang araw napagpasyahan nyang pumunta sa pamilya ni Elmo upang ito ay dalawin na madalas naman nya o nilang ginagawang dalawa. Wala pa si Elmo nung sya ay dumating ilang oras lamang ay dumating ito na may kasamang babae na lubos na ikinagulat ni marie. Nagtanong sya subalit ang sagot nito ay ang tanong na kung ano ang ginagawa nya dun. napaluha na sya lalo nat pilitin na syang paalisin nito. Puno ng luha ang mata ng sya ay lumisan.
Isang araw pumasok sya sa trabaho taglay ang tanong na "alam mo ba ang key to happiness?" at "alam nyo bang upang malaman natin ang tunay na kaligayahan dapat malaman natin ang purpose natin sa buhay" mga lintayang binibitawan nya sa lahat ng kanyang makausap. Kasama sa trabaho, nakasakay sa bus, nakasabay kumain atbp. Nagawa pa nyang bumalik sa dati nilang tahanan upang ipagkalat ang mga salita nato. Sinuyod nya ang bawat kabahayan. Kumatok at sabihin ang mga salita nato. Nung mga panahon nayun patuloy syang sinusundan ng kanyang ina at anak at ilang kaanak. Ayaw nyang paawat sa kanyang ginagawa, ni ayaw kumain o uminom man lamang sa loob ng maghapong paglalakad sa pag iisip na ang ibinibigay ng kanyang ina ay may gamot na pampatulog na dahilan upang di nya maipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Muli syang kumawala sa sariling katinuan, muling bumalik ang kanayang SAKIT.

 Sa di maipaliwanag narin ni marie na kadahilanan at lagi namin tinatanong sa kanya. Bakit di kami ang pinupuntahan mo pag may sakit ka? Bakit di kami ang tanungin mo sa mga katanungan mo? Nasaksihan nmin ang ilan sa mga pangyayaring ito. Gawain namin ang pagkakaroon ng sopresang pagbisita sa kahit kaninong kaibigan kasama narin na may nabalitaan kami na "may SAKIT" na namn daw si Marie. Wala kaming alam sa mga nangyayari sa kanya kaya sinadya narin namin sya. Pagdating namin sa kanila kapansin-pansin ang pagkagulat ng lahat. Mukha nman syang normal. Hinahanda nya ang sarili nya upang pumasok sa opisina kaya hindi narin kami magtatagal. Ihinatid namin sya sa sakayan at dun narinig namin mga linyang " Alam nyo ba ng key to happiness"? ala kaming alam nayun pala ang pinagsasabi nya nung mga nakaraang araw kaya. Tinanong ko pa sya na "ano nga ba?" at dinagdagan pa na ang kaligayahan ay nasa puso lamang kasi "walang himala" sabay tawa. Tumahimik lang sya. Nag-uusap kami nun ng lihim na di namn pala totoo ang usap-usapan normal naman sya at papasok pa sa opisina. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nasa abangan narin ng sasakyan ang kanyang mga magulang na di nagsasalita. Tinanong ko sya kung saan sila pupunta. mamimili lang daw at nag-aabang ng jeep. Ngunit ng dumating na ang sasakyang patungo sa kanyang trabaho, walang sabing sumakay din dun ang kanyang mga magulang na parang nagtatago sa kanya. Nagkatinginan kami at napatotohanan namin na USAP-USAPAN.
Ilang araw ang lumipas muli syang nagpakita samin at inamin ang lahat. Kinuwento nya ang lahat. Ang sakit na nararamdaman sa puso ng dahil kay Elmo, ang di nya pag inom ng gamot sa pag-asang syang maging normal. Inisip nya na matagal na naman di bumabalik ang kanyang SAKIT. Na baka di na nya kailangan uminom ng gamot. Na nung panahon na nakita nmin sya sinusundan sya nun ng mga magulang sa pag-alalang mapaano sya at saan sya magpunta. Pero maayos na daw sya ngayun. Tuloy tuloy na ang pag inom nya ng gamot. Sinabi rin  nya na sinabi ng doktor nya na di na sya pedeng huminto ng pag-inom para sa SAKIT nya dahil ito ay panghabambuhay na gamutan na. Mauulit at mauulit muli ang mga nangyari kung di sya iinom ng gamot.
Kaya nagawa kong itanong sa kanya buti nasasabi mong lahat, na handa nyang ikwento ang lahat. Na hindi mahirap para sa kanaya  na sabihin mo sa iba na may SAKIT ka. Ilan 'to sa mga katagang pumasok sa isip ko. "kailanagn mong tanggapin ang SAKIT mo kasi dun ka magsisimula, pano mo pagagalingin ang sarili mo kung sa sarili mo ayaw mong tanggapin na may SAKIT ka". "ano pa nga ba ang magagawa ko? ako to LOKARET pero di pa namn ako malala, kaya pa naman ng mga gamot ko , siguro nga ito ibinigay sa akin siguro alam na kaya ko to.  Nasabi ko sa sarili ko matatag din sya. Hindi namn nya pinagsisigawan sa mundo na may SAKIT sya pero alam sa paligid na meron sya. Pero di sya sumusuko, taas noong muling tumatayo. Na kahit alam nyang hinuhusgahan sya at minsan iniiwasan ng iba wala syang pakialam wala naman daw syang tinatapakang tao magkaSAKIT man sya SARILI lang nya ang nasisira nya at hindi buhay ng ibang tao. Nasabi ba nya to dahil kagaya ng sabi nya dapat nyang tanggapin ang SAKIT nya o dahil may SAKIT sya kaya nakapagsasalita sya ng ganito..
Mahirap intindihin pero madalas tama ang sinasabi nya. Tama sya na dapat sya ang unang magmahal sa sarili nya, tama sya na kahit may SAKIT sya wala syang sinasaktan ibang damdamin, Tama sya na walang SYANG ibinibigay na di natin kaya. Siguro dahil ganun nga sya kaya naging matatag na sya.  Ng dahil sa dami ng sakit na naramdaman naging bato na. Ilan sa mga kagaya nya ang aaming may karamdaman sila kagaya nya?. Kasi ayaw nilang layuaan, SAKIT na di nakakahawa pero iniiwasan. 
Hindi ko masasabing idolohin mo sya sa kanyang katatagaan at pagbangon muli. Pero minsan naisip ko mas nag iisip ba ang tanong may SAKIT na ganito. Na mas malalim sila, Na minsan mas may saysay ang sinasabi nila. Naisip ko tuloy..... ano nga ba nag KEY TO HAPPINESS" :)
Kaw ngayun ang humusga pag muli makita mo sya na tamaan ng SAKIT ano ang gagawin mo "IINTINDIHIN mo ba sya O WAG NALANG PANSININ......
IKaw kaya mo bang sabihin ang iyong SAKIT?.... kung ang iyong sakit ay SAKIT SA PAG-IISIP.....

Friday, April 15, 2011

White River Rafting and 1st day @ DAVAO City

     MARCH 5, 2011. Napakaaga ko para sa call time sa DAvao crocodile park psdgroupph.com/index.php. bakit ba kasi napakaaga ng landing  ng CEBU PACIFIC lol. Dapat 6:00am ang expected, nag landing sya ng 05:27 ng umaga. Hays sobrang aga, di ako pamilyar sa lugar kaya pikot-ikot at palinga-linga ako sa paligid.  At dahil kasama ko sa mga unang ng check in sa CEBU-MACTAN INTERNATINAL AIRPORT expect ko na bandang huli pa lalabas ang bagahe ko. "Sundan ang mga langgam, kasi nandun ang mga kaganapan kung saan papunta ang mga langgam." Di ko kabisado ang airport na to kaya sunod lang ako sa agos ng tao. hehe!! Pagkakuha ng bagahe diretso labas at hanap ng pila ng taxi, pero masyado pa maaga. Ikot muna sa paligid marami pa namang nakapila sa taxi. Hindi pa halos sumisikat ang araw, napansin ko ang isang malaking replika ng prutas na DURIAN "d Durian Monument" sa may bandang kaliwa. nagpalitrato ako (habang nasa davao may nagsabi sakin na pagpunta ka sa davao dapat may picture ka dito) sa dalawang babae na nagpapicture din sakin. ( yun ang dapat kong gawin mag magandang loob na mag picture sa iba para makahirit din, minsan sila pa nga ang pilit na kuhanan ka ng litrato.hehe)
Natutuhan ko rin sa pag byahe mag-isa ang bawal ang tanga o mag tanga-tangahan , maging mapag masid, ugaliing magtanong ng di mapalayo, umarte ng di papaapi lumalapit ang masasama sa mga mahihina and do have an extra money.. Just  in case. Nauubos na ang tao sa labas halos nasakay na lahat kaya pinili ko ng kumuha ng masasakyan kahit di parin lubos na sumisikat ang araw. Kuha ng taxi, isa pa sa natutuhan ko ang maging palakaibigan sa mga driver ng taxi. Alam kasi nila ang magagandang lugar at nakakakuha ka sa kanila ng tip kung saan mura at mas oks na lugar.

Durian Monument
Nasakay ako kay mang BOY ng mabuhay taxi. Kampante ang pagkakaupo ko ng bigla may kumatok sa bintana. yung guard ng airport medyo nagulat ako. Di ako sanay na pati ang pasahero eh tanungin kung ano man kailangan medyo alanganin pako na buksan ang bintana ng isenyas nya na gawin ko to.. " wala po ako kasalanan wala po akong pinatay" hehe!! ganito ba sasabihin ko? may sinabi sya na di ko naintindihan. Kaya I say "sorry?". nasanay nko na yun ang bigkasin pag di ko maunawaan o di ko gano narinig ang sinabi ng kausap ko. Bigla sya nagsalita ng "just need to ask your last name sir". Medyo nangiti ako at sinabi ko nalang na FAJARDO po kuya, yun lang at isinulat nya sa papel at umalis na kami. Medyo naguluhan sa nangyari kaya itinuloy ko ang kwento kay mang Boy. Sinabi nya na para sa siguridad po ng mga turista yun sir. Para alam lang po kung saan kayo sumakay. "pero wag po kayo mag alala dito sa davao sir wala pong gagawa ng masama dito" di ako pamilyar sa DAVAo bilang isa pinakaligtas na syudad na maaaring tirahan.Kaya nagtanong ako kung bakit namn nya nasabi. Bawal daw ang magnanakaw sa DAVAO. Tapos nagkwento na sya ng ng kwento. Nalibang ako sa mabilis nyang pagpapatakbo at walang humpay na pagkukuwento. 05:45 nasa Crocodile Park nako.

Nadatnan ko ang panggabing guwardya/pulis na nakabantay sa park. Sobra kong aga para sa Activity " DAVAO WHITE WATER RAFTING waterrafting.psdgroupph.com/ kaya kwentuhan uli. At sinabi nya rin ang sakin kung ano ang sinabi ng Taxi Driver. " DAVAO is One of the safe city to live" Naghanap ako ng makakainan kso yung Employees canteen daw 7:00am pa ang bukas. kaya tuloy ang kwentuhan nmin ni kuya. may lumapit na babae at kinausap si kuya ng di ko syempre maintindiahn at bigla nlang sinabi ni kuya sa sumama nako kay ate kasi may luto na daw.
almusal sa Employees Canteen @ Croc Park

Employees Canteen sa Crocodile Park. self service isang simpleng kainan na ang likod eh ilog. as in self-service. Tinanong ko kung ano na available na almusal. Pritong Itlog, Lumpiang shanghai and Rice palang. Pede narin panawid gutom. Masarap naman lalo na yung local coffee nila the "altura" coffee. isang lokal na kape na nanggagaling sa bundok ng APO. Busog!!
07:30 may dumating na isang grupo. kumain din sila.May kumakain  na ibang empleyado kaya nagpasya nako tumayo para magamit nila ang mesang ginamit ko. Medyo maliit lang kasi yung kainan. Lakad lakad sa paligid, bale nasa likod yung canteen ng Crocodile park, kahilera yung RIVERWALK CAFE' and isa pang kainan na pag aari din ng crocodile park. may dumating uli na dalawang babae na sa palagay ko eh mag rafting din. bumalik nako sa main gate ng park at nagpasyang dun nalng mag intay ng oras. Oras ng dating ng mga empleyado sakay ng motor karaniwan diretso time-in sakay uli ng motor punta sa likod yung iba, yung iba pasok na sa park. Tagal kong nakaupo dun. 08:00 lumipat nrin yung grupo ng limang kalalakihan sa harap, may dumating uli na grupo  ng 3 lalake at 2 babae. Diretso sila sa cashier tapos pasok n ng park.Kaya pumunta ko ng cashier and tanong na kung dun din ang bayaran ng mag Rafting. Bayad ng PhP2,000.00 tapos diretso na pasok sa park at itinuro ng guardya kung saan ako punta. Daraan mo ang ibat ibang klase ng hayop papunta sa opisina ng WAter rafting syempre ang mga buwaya. pag pasok ko palang at inabot yung resibo binati nako ni Arthur Abogado (Atoy). "Sir rafael?" good morning po! Pinaupo muna nya ko at pinayuhang magpalit na ng damit na pang rafting. Pagkapalit inabutan nya ko ng susi para sa locker na pagtataguan ng mga mahahalagang gamit at yung bag na di kasya itinabi nya. Binigyan ako ng life jacket at sinukat ang kasyang helmet. inaabot ko yung susi kasi baka mawala ko sa rafting pero ikinabit nya sa lifejacket o kung gusto ko daw iwan ko sa raft guide ko.

Paddles
Head Gears
Life Jacket
Maupo muna daw o kung gusto mag-ikot muna sa park kasi intay pa yung ibang mag rafting. labas masok narin yung ibang tao na magraft. Pumasok na yung grupo na nakasabay kong kumain. Advice nila na in 10 minutes mag ayos and pumasok na lahat. Pinaupo na ang lahat silyang kawayan. Handa na gamit ko.. pero mukhang ako lang ang may dala. Tinanong ko naman si atoy kung pede magdala ng certain things oks namn daw and ok lang daw na iwan ko sa sasakayan. Ilan sa mga dala ko ang Goldilucks bitbit pack, mentos candies,libro (eat pray love), sarong, water shoes, wet suite, shades, and 500ml bottled water. Pinanood kami ng video ng previous nag rafting and medyo nakakatakot yung mga pinakita. Halos lahat tumataob and they have the worst rapids. Round 10 minutes lang namn yung video. pagkatapos nagsalita naman si atoy. Ilang paalala medyo malabo straight english kasi tapos medyo slang pa pagsasalita ni nya.heheheh!! May ilang salita na malabo nya  talagang binibigkas. Kala ko ako lang ang naguguluhan pati yung babae na katapat ko medyo kumukunot ang noo sa pagsasalita nya.lol!! peace ATOY!! Sinabi narin nya kung sino sino ang magkaka grupo and i belong to the group of couple VANESSA and FERDS, pinakilala narin kung sino ang magiging raft guides namin at sya si Wong!
Atoy's Orientation
Big Shuttle loads
My Group.. Ferds, Vance, Wong d guide and ME
Bukas na yung gate sa likod kaya lumabas na kami bitbit ang helmet and life jacket. Naisakay na sa bubong ng shuttle " malaking jeep" yung mga raft boats. Picture muna bawat grupo, kami yung huling lumabas. Byahe, byahe makalipas ang ilang minuto huminto yung sasakyan para kunin yung lunch ng rafting group. Byahe uli, kapansin pansin ang umaamoy na DURIAN sa paligid. Malamang maraming puno ng durian sa paligid ng daan. Hinahanap ko ito pero ala ko makita, di ko namn ksi alam kung ano ang itsura ng puno nun. Subukan ko makakita ng Bungang durian and for sure yun na ang puno.. heheheh!! Sadly ala ko nakita. Sinubukan kong magbasa pero masyadong malikot ang mata ko sa nakikita sa paligid kaya itinigil ko na. Ayoko may ma miss na dapat kong makita sa paligid.  Makalipas ang humigit kumulang isang oras na byahe,  kumanan na yung sinasakyan namin hudyat ng malapit na yung jump in. Kita ko na yung ilog medyo kulay brown pero mukhang malinis nman. Sa hinintuan ng jeep nakakita kami ng puno ng durian na madaming bunga. Kanina pako hanap ng hanap eh dito lang pala. Palit nako ng damit at sinuot na ang aqua shoes na kapansin pansin na ako lang ang gumawa nun. Nakapangbasa na sila lahat, ah basta alam ko handa ako. Ibinilin ko nalang dun sa driver yung mga gamit ko na iiwan. Oks nman daw.
Inipon kami sa tabi  ng ilog dala ang life jacket at mga helmet namin para sa isa pang briefing.

Si Cokie.. sya ang nagturo ng tamang pagsusuot ng life jacket na kumuha pa ng volunteer na si John Loyd ( di nya tunay na panaglan, iyon ang tawag sa kanya mga kasama nya). isa lang natatandaan ko na sinabi nya ingatan ng mga lalake ang pagkakabit ng ng strap na iikot sa bewang papunta sa hita baka magkamali ng hatak eh masira ang future " YOU KNOW" ( with manny pacmac accent) isang nakakaliw na pagtuturo ang ginawa ni cokie. Pinakilala narin ang mga kukuha ng larawan samin. Si Cokie at si Adam.
Si Cokie giving another orientation

Time for rafting!!! Binigyan na kami ng tigi tigisang paddle.Naghiwa hiwalay na kami bawat grupo with the guide and its time for Wong brief discussion. Kung ano ang dapat gawin pag nalaglag sa Raft, paano ang tamang posisyon ng pag float, what to do for every situation. "during "cup size" ( the raft flips upside down)  my main concern is the raft and not you, coz how can i pick you up if we dont have the raft" as Wong says.
Our Guide Wong giving a  group orientation
Nilagay na nya yung ibang gamit sa gitna ng raft may maliit na bag na nakalaan dun. Kinuha narin yung mag bottled water namin yung yosi and lighter. sakay na raft and sabi nga namin this is it ala ng urungan. Di pa malakas yung rapids sa una ksi pagsakay namin layo lang ng konti sa gilid tapos sinubukan na yung pano mag float pag nalaglag. Nauna ko at ginawa ko ang tamang paglusong the DIVER way... heheheh!!Lumutang namn agad dahil nga sa Life jacket.
Proper way

Hawak ang paddle na nakapatong sa dibdib na nakatihaya. yan ang tamang posisyon. Umaatake narin ang mga Paparazzi si Cokie. Itinuro narin ni Wong ang tamang pagkuha ng tao na  nasa tubig paakyat sa raft.
Lifting

Hihilahin mo sya sa strap ng sa may bandang balikat. Pero mag ingat ang mga kalalakihan at iposisyon muna ang strap na nasa hita/singit kasi mahihila to kung ayaw mong mawalan ng kinabukasan. Di ganong kalakas ang mga rapids as what Wong says. Mas oks daw mag rafting sa pagitang ng mga buwan ng Hulyo hanggang Octubre kung gusto mo talaganag maranasan ang malulupit na rapids. Pero nakakatakot parin ang bawat rapids na nadaraaan nmin. Bawat hampas ng tubig, hampas sa bato. Pag may rapids na sususungin wala kang maririnig samin kundi hiyaw at tili, ay hiyaw at tili lang pala ni Vance na wala pa yung rapids sumisigaw na. Sabi ko sa kanya may early warning n kami pag may rapids na medyo matatantya na tataog kami. Tingin ko ksi itinatalikod ako ni wong lagi sa rapids para di ko makontra sinusubukan nya ksi na tumaog  ( mas oks daw pag naranasan yun) pero pag medyo nasa payapang parte kami ng ilog kwentuhan ang inaatupag nmin.
the 1st 3 groups


Oks ksi na guide si Wong madaldal and pinapakita at pinapaliwang nya lahat ng tanong mo. Next activity.. drifting, ito yung may mabilis na agos ng tubig pero ala namn ganong bato, bababa ka sa tubig at pagpapagos. Dapat ang posisyon mo yung floating  na itinuro nya kanina pero dapat nakaharap ko kung saan papunta ang agos para nakikita mo kung saan ka papunta at wag ibuka ang hita ksi baka may bato delikado n pag nasentrohan ka :) Nakakapagod din ang magpaddle kahit sa katotohanang di ka namn nagpapaddle ng sobra at matinding lakas ng guide ang kinakailangan kasi sya yung nag dadala ng raft kung san man papunta. Konting tulong lang baga sa pagpaddle. Sobrang saya bawat rapids na tagumpay nyong madadaan na di kayo tumataob na halos magkabungguan na kayo at mapuno ng tubig ang raft. Habang nakaabang sayo si Cokie o si Adam na kinukuhanan kami ng picture.
HIGH FIVE!!!!
At syempre the best ang HIGH FIVE na itinataas ang Paddle sa hangin at pagdidikit dikitin sa oras na makatawid  na sa nakakatakot na rapids. Basta makinig ka lang sa mga sinasabi ng Guide na PADDLE Command.... Forward paddle, Back paddle, Left Turn or Left Back, Right Turn or Right Back, and Stop. At wag matigas ang ulo kasi pag na stock ang raft kailangan ang lakas ng lahat para umusad ang raft naluna pag nakalang sa bato. Pero lagi namn may solusyon ang guide like ginagamit nila ang paa nila para makausad ang raft. Patuloy ang rafting medyo umiinit na minsan umaambon. Itinuro ni wong ang isang tuyong falls. Pag rainy season daw maganda yun. kso nga summer kaya tuyo sya at sinabi rin nya na maraming unggoy dun pero bihira magpakita... paddling.......   strong rapids........... happiness.....
Wooooooooooo

 Lunch Time, narating na nmin yung lugar ng kakainan isang mabato na may konting lilim at konting damo.Binaba na ni Wong yung pagkain namin na nakalagay na sa isang take-away container bawat isa. Sobra ko nagutom sa pag raft.
Lunch Area..just look for a good spot
LUNCH










Oks yung hinanda nila lunch. Rice, Meat balls, chicken adobo, at isang bote ng tubig. sarap kumain may kasama naman na isang kutsara na plastic pero mas oks mag kamay. bigla ko nabusog sa dami siguro ng tubig na nainom galing sa ilog. heheheh!! Ibinigay ko nalang yung di ko naubos n rice kina Wong and sa mga kasama nila guide.
JUMP SHOT!!
Picture picture uli. Mukhang yung grupo namin ang ayaw tigilan ng mga paparazzi. hehe! JUMP shot!!!Pahinga muna ng medyo matagal. Tiningnan ni Vance yung lalake na nag bibilad ng buto ng cacao sa may bandang ilog. Hinuhugasan nya yun para matanggal yung mga nakapaligid dito na nabubulok na para maiwan nalang yung buto. Sinundan ko sya. At umiral ang ka daldalan. Tinanong kung saan nanggagaling yung mga yun. Dun daw sa paligid lang marami daw puno ng cacao sa paligid. Kumuha ko ng isng hugas na at sinubukang kagatin.. Wala namn lasa. ehheheh!! niluluto pa daw kasi yun.
My Group @ Lunch Area

Sa pagkakakwento nya mukhang private yung kinukuhanan nya pero ala namn kumukuha nun kaya kinukuha nalang nya kesa mabulok. Not sure bout sa Amout pero round 200 ata nya nabebenta kada sako. Not really sure.Kanya kanya pang grupo pinabayaan ko muna ang mag asawang Vance and Ferds na magkasama kaya naupo muna ko sa batuhan na sinundan nman ako agad ni Cokie d paparazzi para kunan ng picture.Ilang minuto lang nagliligpit na yung mga guide ng lahat ng kalat, sabi nga nila dadalhin lahat ng bitbit at walang iiwan sa ilog lalo na ang mga basura. "good Attitude of Davaenos" and if may hawak ka na basura kunin nila sayo and sila na daw ang bahala.
Rafting time again after Lunch
Isinakay na nila yung mga gamit senyales na mag raft na uli. Lagi namn ask ni Vance and ako yung ibang grupo ng Group picture pero it seems they dont care o nahihiya kasi ako di ako marunong nun. hehehe!! Ask ko si Wong kung malapit naba yung Bonus round and Pang  Finale. Malayo pa daw pero madami na kami dadaanan medyo lakas na rapids like washing machine nga na sinasabi nya. sakay nasa sa raft gumilid muna kami sa kabilang side ng ilog at pinauna yung iba. napansin ata na nakakarami n kami ng pictures. hehehe!!
HIgh FIve

nakaumang na agad pala ang isang rapids na medyo malakas. makikita sa di kalayuan ang ilang rafts na parang tumatalbog lang sa alon at hiyawan ng ilan. Mukhang masarap dun ahh..sumunod yung grupo nung mga nakashades. Medyo nakakanerbyos na yung itsura nung raft nila nung dumaan sa mga rapids. pagkakataon namn nmin hehehe.. medyo nakakatakot talaga lalo na yung papalapit kana sa mga agos.




Splashhhhhh!!!
Halos magkauntugan na kami ni Ferds and si Vance biglang nawawala at napupunta sa gitna. pagbaba sa may malalim na agos muntik n kami mabuwal at halos napuno ng tubig yung raft nmin.. Kala ko talaga tataob na kmi pero di parin. Galing talaga ng instinct ni Vance heheheh.. medyo nakanto kami sa may malaking bato ng tangayin kami ng agos dun at nahirapan si Wong na ibalik kami sa agos ng ilog kaya napilitan syang bumaba at itulak yung raft sabay sigaw ng " FULL PADDLE FORWARD" kaya ayun nakaalis kami..



Baha na sa RAFT

Naubos ata ng lakas ko dun. medyo nerbyos din yung isiping tataob ka sa ganong kabagsik na agos. nakakahingal. pero masaya kasi after malusutan ang agos mapapahiyaw ka talaga pag sumigaw na si Wong ng "HIGH FIVE" wooooooooooo yan lang ang lagi ko nasasabi madami na namn ako nainom ata na tubig. heheheh!!
malapit lang samin kasunod nmin yung grupo nina
A.K.A. John Loyd "daw". na pinakamagulong grupo na puro kalalakihan. pagdating dun sa may bato na bababa na yung raft sa medyo pahukay tumaob sila.

High Five after Breathtaking Rapids



Cup Size RAFT of John Loyd Group!!
One member asking for lift and wanna join our raft!!



Nagpanic sila di alam kung saan magpupunta. Di na naisip kung ano ang tamang gagawin pag tumaob. Pero tawanan parin ng tawanan. Yung isa sumampa sa nakataopb na raft. Pinaayos sila kasi nakaumang na yung isang level pa ng rapis. Matitigas ang ulo kaya pinabayaan nalang... Ayun. ewan ko lang kung may nasaktan sa kanila nung dumaana sa medyo Hard level na rapids. Ala namang umaamin na nasaktan. Tuloy ang paagos nila yung isa nagpatulong na samin at sa raft na nmin sumakay. Nung medyo di na malakas ang agos unti unti n sila nagbalikan sa raft nila at halos mahirapan ang lahat sa pagsampa. Naubos ang mga lakas. hahahah!!
@ the cave

Dumaan kami sa isang maliit na kweba pinasok lahat ng raft ng lahat ng grupo. Picture picture!! Di ko alam kung oks ba o hindi na di kami nag cup size. kasi iba parin pakiramdam syempre ng ganun kaso nga magaling ibalanse ni Vance yung raft alam nya kung saan sya punta pag tataob na ang raft kaya nakokontra nya. heheheh!!. Drifting  time again. Nag drifting si Ferds pero naiwan si Vance kasi natatakot sya sinamahan sya ni Wong kaya naiwan ako mag-isa sa raft and medyo nahirapan ako kontrolin yung raft.. Umiikot ako habang umuusad.
Me alone @ the raft..SUGOD!!!

Medyo matagal sila nag drifting gang sa ma manage ko na yung raft. pagkaakyat nila sa raft its my turn naman ng dahil sa kaungasan ginawa ko uli yung Diver way on going into the water. Ayun pag baligtad ko papunta sa tubig at sa lakas ng agos dalawang beses ako umikot sa ilalim at naramdaman kong tumama yung helmet ko sa ilalim.. hehehhe!! epal kasi! marami pang nadaanang mababangis na rapids, paddle.. paddle..sigaw.. tawanan... ang saya kahit medyo umiinit na at nabibilad na kmi ng todo..
Isang malakas na rapids na namn ang nakikita ko sa di kalayuaan pinaghandaan ko nato.. hehehe!! paglapit nmin medyo sobrang laks ng agos talaga. Sabay ang paddle forward para makasampa kami sa bato. sa sobrang lakas ng agos o nakanto ko sa bato. Nabali yung paddle na hawak ko . Ibinalik ko sya para matuwid at tuloy parin sa sa pag paddle pero tuluyan na syang nabali.. hehehhe!! Kinuha ni Wong yung paddle at naghanap ng extrang paddle sa ibang raft kasi kailanagn daw na mag paddle sa harapan dahil medyo malakas na rapids pa ang kasunod nakakita namn sya sa isang raft ng extra paddle pero sobrang liit. Nagpalit kami ni Vance na di halos umaabot sa tubig yung paddle.. hehehhe!! Sabi ni vane ayan magbayad ka uli ng 2k kasi yun yung presyo ng paddle. hahhaha!! Nakakapagod ang maghapon nato peto sobrang saya...

Having a Hard Time paddling. Look @ Vance small paddle! hehehehe!!
all tired after the activity yet manage to smile!!

Pagdating sa put out nakaabang na yung shuttle na sinakyan namin kanina. Picture picture uli. nagbanlaw ng konti dun sa CR dun pero ala namn gaano tubig mas oks pa magbanlaw sa ilog kinuha ko yung gamit ko then palit nga damit. mas mabilis yung byahe nmin pabalik ngayun, pero medyo maputik at maalikabok yung dinaanan ngayun. kaya medyo pagod kana tapos makalog pa yung sinasakyan mo ngayun tapos maalikabok pa. Sa sobrang pagod halos lahat nakatulog sa byahe pabalik.
MY rafting Buddies VANCE and FERDS!!!

 Para sa iba pang Picture ng "RAFTING ACTIONs" check nalng po to http://www.facebook.com/album.php?id=617942429&aid=295075

Nakabalik kmi sa Croc Park bago mag 5:00 ng hapon. Maririnig mo na sa paligid na start na yung animal show. Banlaw bihis tapos inabot na  ni Atoy yung souveneir shirt and yung cd pictures ng activity habang nag-aayos play na nila yung video din ng activity nmin.Gala muna ko sa paligid. Inabutan ko na may nagpapapicture dun sa ahas na kulay dilaw, yung hawk na madaming tricks na kayang gawin. May usapan kasi kami nina Vance and Ferds na mag Zip line sa ZipCity zipcity.psdgroupph.com/ may libre kasi kami ticket na kasama sa package ng Rafting. Nanood muna kami ng animal show si Pangil na kasi ang may Show nung oras nayun.. ang Star ng Croc park isang buod laking buwaya. Pati yung mga sumasayaw daw na buwaya ksi pinapahabol nina yung karne na nasa taas kaya makikita mo kung gano kalakas lumalon ang buwaya. Umuulan nun pero pinagpasyahan parin nmin tumulak papuntang zip city. pagdating nmin sa Zip city si Ferds nalang ang bumaba para itanong kung mag pa zip line pa. Sya lang kasi may dala kapote ( di sya masyadong handa) pag daw tumila ang ulan. Pero mukhang alang balak tumila ang ulan kaya napagpasyahan namin bumalik nalang  sa Croc Park at kumain sa  RIVERWALK GRILL riverwalk.psdgroupph.com/ sila yung ngaseserve ng exotic foods like crocodile and ostrich. Pagdating nmin sa lugar kumakain pa dun yung isang grupo na nakasama nmin sa rafting. Dont remember any single name. Natatandaan ko lang na yung kasama nilang isa eh taga davao and pang apat na beses na nyang nag rafting and oks nga daw mag rafting pag rainy season ksi malalaks yung rapids. Order na kami ng Food. Sinubukan nmin yung Crocodile Spare Ribs and Ostrick steak. oks namn sya lasang karne what do you expect. Pero si Vance parang may ibang nalasahan sa Ostrich. After eating tayo na kami round 6:00 na ng gabi nun and ang worry namin eh wala ng taxi na pumapasok sa croc park. Pero may phone na pedeng tumawag ka sa taxi and in less than 5 minutes dumating na yung pinatawag na taxi without extra charge oks di ba. Nag dedesisyon pa kami kung balik ng zip city ksi ala ng ulan pero pagod na rin ako and need to check may hotel availablity pa. Ibinaba ako nina Vance and Ferds sa may tapat ng Gaisano mall sa pag aakalang dun malapit yung Hotel ko. Pero sa Victoria mall pala sya malapit kaya nag jeep pako pabalik and tanong tanong. Nag stay ako sa Sychar Garden Hotel.  Php 780.00 per night ang rate nila for single bedroom.binayaran ko nayung for two nights. Pinili ko yung sa may bandang likod as what ive read sa blog kasi maingay sa harapan dinig mo daw yung mga sasakayan. Oks namn yung room not that extravagant pero what do you expect sa 780.00 pero malinis namn talaga at try ko yung shower as what one blogger says as well na dito kalang babawi sa shower nila na malakas talaga with hot/cold  and ang katotohanang nasa heart of the city talaga sya tapos mura pa. Naligo ako tapos bumaba uli and humanap ng computer shop na may CD reader pero nabigo sa tatlong pinagtanungan ko balak ko na ksi i upload yung rafting activity ko (excited). Pabalik nadaana ko yung Mc donalds na malapit ng hotel. Order ako ng Chicken Meal and i may "miss isang 2 pieces chicken without rice" tapos sagot sya ng "yes sir its 2 piece chicken with fries" and sagot naman ako ng "NO just the 2 pieces chicken without rice" at sumagot pa uli ang magaling ng "yes sir the two pieces chicken is really serve without fries". kaya sumagot nako ng ayoko ng rice,diniinan ko yung pagsasalita ng rice sumagot uli sya ng "may kasama daw talagang rice yun, kaya sinabi ko na just get rid of it. at sumagot na namn sya ng "ok sir you need two pieces chicken without rice".. pause for a while and says "sigurado kayo sir ayaw nyo ng rice?" nginitian ko nalng sya ng ubod taimis para tumigil na.  07:30pm Pagkain diretso sa hotel, kinuha ko sa counter yung susi and ask kung may nagmamasahe ba dun. meron daw pero di sa kanila manggagaling kukuha sila sa iba. Sabi ko magpa-akyat sakin after 15 minutes tawagan nalang daw ako and it worth PhP 500.00. Inisip ko pamasahe muna ko tapos labas ako maya para uminom may nakita ko poster ng Bar sa Croc Park na hawak din nila. Kaya text ko si ever helpful and most accumadating atoy of WHITE river rafting about the address of the 138 bar. Reply sya agad and says na iba na ang pangalan ng bar nakalimutan ko na yung text nya nyun. After 10 minutes tumunog na yung phone sa desk. Ask nung sa front desk kung pede daw ba na paakyatin yung masahista. Nagmasahe sya and sa sobrang pagod ko namalayan ko nalang na ginigising nya ko at sinabing sir tapos napo. Binigay ko na sa kanya yung pera bago sya magmasahe. Di ko na sya tiningnan and sinabi ko sa kanya na ok and paki lock nalang yung pinto kasi antok na antok ako. Nagising ako ng 12:30 am and inisip ko kung lalabas pako.. mas pinili kong matulog para makabawi sa masayang nakakapagod na maghapong nagdaan.......  


Davao Wildwater Adventure Rafting Company!
Tel no. 082 221823/082 2861055
Arthur  0920 9546898/09228569790
Ruel    0920 9546897/09236586048


Rates and Itinerary
PhP 2,00.00 

Inclusive of:
Transportation (From Crocodile Park to Rafting Area and back)
Packed Lunch & Bottled Water
Use of Gears & Equipment
Raft guide
Souvenir Shirt
Documentation (2 Disc per group of 6)
Ticket to ZIP CITY, butterfly park and one cultural show


ITINERARY
08:00 am Assembly at Crocodile Park
09:30 am Departure
10:30 am Arrival at Put In area, Tamugan
11:00 am Start of Rafting
12:00 nn Lunch
03:00 pm Arrival at Take Out area, Purok 8, Lacson
03:30 pm Departure for Crocodile Park
04:30 pm Arrival at Crocodile Park 

Sychar Garden Hotel.
Locate. J.P. Laurel Ave. , Bajada Davao City 
Tel Number: (082) 224-0603. 
Beside Gas station  and Near Victoria mall