napakadaling sabihin para sa ating mga walang nararamdaman, sa ilang mga walang sakit, sa ibang may mga sakit na maaring gumaling, sa mga may sakit na nakamamatay. Kasama sa pagtanggap ang pagpawi ng buhay sa mga susunod na araw. Mawawala kana kaya't sa katotohanang maari mong ipaalam ang sakit mo upang maging makabuluhan ang natitira pang buhay. Pagtanggap na maging sa paligid mo ay tatanggapin ka dahil ikaw ay may "SAKIT"
Ngunit pano nga ba kung ang sakit mo ay di matanggap ng iba, pano mo sasabihing kaya mong sabihin sa iba kung ang kapalit nito ay panghuhusga at paglayo nila. Pano mong sasabihing dapat mong tanggapin ang sakit mo upang kaw ay gumaling..
Si Marie, isang kaibigan, di man masasabing magkalapit kami pero itinuturing ko na isang kaibigan. Lumaki ng maayos sa isang magandang pamilya. May magandang trabaho ang ama at isang mabuti at negosyanteng ina. Nagsimula ang lahat ng pumasok sya sa isang Unibersidad. Isang pangarap at karangalan sa kanya ang makapasok dito. Ngunit ilan sa mga naging balakid upang makapagpatuloy sya ng pag-aaral dito ay ang pisikal at mentalidad na kapaguran, sanhi upang sya ay magdesisyong talikuran nag pangarap. Sa panahon ng kanya inilagi dito nakilala nya ang unang lalakeng nagmahal sa kanya at minahal nya. Si raman, umusbong ang pag-iibigan na naging sanhi upang malimutan nya ang pagkabigo ng kanyang mga pangarap. Lumipas ang ilang panahon habang ang pait ng pagkabigo at natatabunan ng pag-ibig ng ang Kamatayan ang nagpasyang sila'y paghiwalin. hindi pa nakakaahon sa sakit ay isang sakit muli ang kanyang nadama. Tuluyang lumaya ang kanyang pag-iisip. Hindi na nya namamalayan ang kanyang ginagawa. Tumatakbo sya ng 10 kilometro sa kalagitnaan ng gabi upang ang pagod ang kanyang maging sandigan upang saglit na malimutan ang nararamdaman. Dinapuan sya ng isang karamdaman. Tuluyan na syang nawala sa sarili. Ito narin ang dahilan upang lisanin nila ang kanilang tahanan upang makaiwas sa usapan ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Lumipas ang panahon, nakalimot sya ng dahil narin marahil sa muling pagdapo ng pag-ibig na naging daan upang ang sugat ay tuluyang maghilom kasabay ng patuloy na panggagamot sa kanyang karamdaman. Biniyayaan sila ng isang anak na lalake. Pero bakit kung maayos na ang lahat isang problema muli ang dumarating. Isang karupukan ang sumira sa kanilang samahan upang pagpasyahan nya na lisanin ang kabiyak. Hinayaang sumama sa pinili nitong bagong pagmamahal.
Halos nagiging normal na ang lahat, Sinusubukan nyang bawasan ang kunsumo ng kanyang gamot gang sa tuluyan nyang iwasan ang pag inom nito sa pag-asang maayos na ang lahat. Na di na nya kailangan umasa sa mga gamot upang normal. Umasang MAGALING na sya.
Muli sa trabaho natuto muli syang magmahal. Si Elmo. Masaya sila kung magkasama, madalas sila lumabas. Masarap na tawanan, mabuting kausap at maasahan. Yan ang tingin ni Marie sa kanya. Dahilan upang muling mahulog ang loob nya dito. Patuloy ang kanilang mabuting samahan na lubos na inakala ni Marie na ito ay may pagmamahal din sa kanya. Lubos nyang minahal si Elmo.
Isang araw napagpasyahan nyang pumunta sa pamilya ni Elmo upang ito ay dalawin na madalas naman nya o nilang ginagawang dalawa. Wala pa si Elmo nung sya ay dumating ilang oras lamang ay dumating ito na may kasamang babae na lubos na ikinagulat ni marie. Nagtanong sya subalit ang sagot nito ay ang tanong na kung ano ang ginagawa nya dun. napaluha na sya lalo nat pilitin na syang paalisin nito. Puno ng luha ang mata ng sya ay lumisan.
Isang araw pumasok sya sa trabaho taglay ang tanong na "alam mo ba ang key to happiness?" at "alam nyo bang upang malaman natin ang tunay na kaligayahan dapat malaman natin ang purpose natin sa buhay" mga lintayang binibitawan nya sa lahat ng kanyang makausap. Kasama sa trabaho, nakasakay sa bus, nakasabay kumain atbp. Nagawa pa nyang bumalik sa dati nilang tahanan upang ipagkalat ang mga salita nato. Sinuyod nya ang bawat kabahayan. Kumatok at sabihin ang mga salita nato. Nung mga panahon nayun patuloy syang sinusundan ng kanyang ina at anak at ilang kaanak. Ayaw nyang paawat sa kanyang ginagawa, ni ayaw kumain o uminom man lamang sa loob ng maghapong paglalakad sa pag iisip na ang ibinibigay ng kanyang ina ay may gamot na pampatulog na dahilan upang di nya maipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Muli syang kumawala sa sariling katinuan, muling bumalik ang kanayang SAKIT.
Sa di maipaliwanag narin ni marie na kadahilanan at lagi namin tinatanong sa kanya. Bakit di kami ang pinupuntahan mo pag may sakit ka? Bakit di kami ang tanungin mo sa mga katanungan mo? Nasaksihan nmin ang ilan sa mga pangyayaring ito. Gawain namin ang pagkakaroon ng sopresang pagbisita sa kahit kaninong kaibigan kasama narin na may nabalitaan kami na "may SAKIT" na namn daw si Marie. Wala kaming alam sa mga nangyayari sa kanya kaya sinadya narin namin sya. Pagdating namin sa kanila kapansin-pansin ang pagkagulat ng lahat. Mukha nman syang normal. Hinahanda nya ang sarili nya upang pumasok sa opisina kaya hindi narin kami magtatagal. Ihinatid namin sya sa sakayan at dun narinig namin mga linyang " Alam nyo ba ng key to happiness"? ala kaming alam nayun pala ang pinagsasabi nya nung mga nakaraang araw kaya. Tinanong ko pa sya na "ano nga ba?" at dinagdagan pa na ang kaligayahan ay nasa puso lamang kasi "walang himala" sabay tawa. Tumahimik lang sya. Nag-uusap kami nun ng lihim na di namn pala totoo ang usap-usapan normal naman sya at papasok pa sa opisina. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nasa abangan narin ng sasakyan ang kanyang mga magulang na di nagsasalita. Tinanong ko sya kung saan sila pupunta. mamimili lang daw at nag-aabang ng jeep. Ngunit ng dumating na ang sasakyang patungo sa kanyang trabaho, walang sabing sumakay din dun ang kanyang mga magulang na parang nagtatago sa kanya. Nagkatinginan kami at napatotohanan namin na USAP-USAPAN.
Ilang araw ang lumipas muli syang nagpakita samin at inamin ang lahat. Kinuwento nya ang lahat. Ang sakit na nararamdaman sa puso ng dahil kay Elmo, ang di nya pag inom ng gamot sa pag-asang syang maging normal. Inisip nya na matagal na naman di bumabalik ang kanyang SAKIT. Na baka di na nya kailangan uminom ng gamot. Na nung panahon na nakita nmin sya sinusundan sya nun ng mga magulang sa pag-alalang mapaano sya at saan sya magpunta. Pero maayos na daw sya ngayun. Tuloy tuloy na ang pag inom nya ng gamot. Sinabi rin nya na sinabi ng doktor nya na di na sya pedeng huminto ng pag-inom para sa SAKIT nya dahil ito ay panghabambuhay na gamutan na. Mauulit at mauulit muli ang mga nangyari kung di sya iinom ng gamot.
Kaya nagawa kong itanong sa kanya buti nasasabi mong lahat, na handa nyang ikwento ang lahat. Na hindi mahirap para sa kanaya na sabihin mo sa iba na may SAKIT ka. Ilan 'to sa mga katagang pumasok sa isip ko. "kailanagn mong tanggapin ang SAKIT mo kasi dun ka magsisimula, pano mo pagagalingin ang sarili mo kung sa sarili mo ayaw mong tanggapin na may SAKIT ka". "ano pa nga ba ang magagawa ko? ako to LOKARET pero di pa namn ako malala, kaya pa naman ng mga gamot ko , siguro nga ito ibinigay sa akin siguro alam na kaya ko to. Nasabi ko sa sarili ko matatag din sya. Hindi namn nya pinagsisigawan sa mundo na may SAKIT sya pero alam sa paligid na meron sya. Pero di sya sumusuko, taas noong muling tumatayo. Na kahit alam nyang hinuhusgahan sya at minsan iniiwasan ng iba wala syang pakialam wala naman daw syang tinatapakang tao magkaSAKIT man sya SARILI lang nya ang nasisira nya at hindi buhay ng ibang tao. Nasabi ba nya to dahil kagaya ng sabi nya dapat nyang tanggapin ang SAKIT nya o dahil may SAKIT sya kaya nakapagsasalita sya ng ganito..
Mahirap intindihin pero madalas tama ang sinasabi nya. Tama sya na dapat sya ang unang magmahal sa sarili nya, tama sya na kahit may SAKIT sya wala syang sinasaktan ibang damdamin, Tama sya na walang SYANG ibinibigay na di natin kaya. Siguro dahil ganun nga sya kaya naging matatag na sya. Ng dahil sa dami ng sakit na naramdaman naging bato na. Ilan sa mga kagaya nya ang aaming may karamdaman sila kagaya nya?. Kasi ayaw nilang layuaan, SAKIT na di nakakahawa pero iniiwasan.
Hindi ko masasabing idolohin mo sya sa kanyang katatagaan at pagbangon muli. Pero minsan naisip ko mas nag iisip ba ang tanong may SAKIT na ganito. Na mas malalim sila, Na minsan mas may saysay ang sinasabi nila. Naisip ko tuloy..... ano nga ba nag KEY TO HAPPINESS" :)
Kaw ngayun ang humusga pag muli makita mo sya na tamaan ng SAKIT ano ang gagawin mo "IINTINDIHIN mo ba sya O WAG NALANG PANSININ......
IKaw kaya mo bang sabihin ang iyong SAKIT?.... kung ang iyong sakit ay SAKIT SA PAG-IISIP.....
No comments:
Post a Comment