Natutuhan ko rin sa pag byahe mag-isa ang bawal ang tanga o mag tanga-tangahan , maging mapag masid, ugaliing magtanong ng di mapalayo, umarte ng di papaapi lumalapit ang masasama sa mga mahihina and do have an extra money.. Just in case. Nauubos na ang tao sa labas halos nasakay na lahat kaya pinili ko ng kumuha ng masasakyan kahit di parin lubos na sumisikat ang araw. Kuha ng taxi, isa pa sa natutuhan ko ang maging palakaibigan sa mga driver ng taxi. Alam kasi nila ang magagandang lugar at nakakakuha ka sa kanila ng tip kung saan mura at mas oks na lugar.
Durian Monument |
Nadatnan ko ang panggabing guwardya/pulis na nakabantay sa park. Sobra kong aga para sa Activity " DAVAO WHITE WATER RAFTING waterrafting.psdgroupph.com/ kaya kwentuhan uli. At sinabi nya rin ang sakin kung ano ang sinabi ng Taxi Driver. " DAVAO is One of the safe city to live" Naghanap ako ng makakainan kso yung Employees canteen daw 7:00am pa ang bukas. kaya tuloy ang kwentuhan nmin ni kuya. may lumapit na babae at kinausap si kuya ng di ko syempre maintindiahn at bigla nlang sinabi ni kuya sa sumama nako kay ate kasi may luto na daw.
almusal sa Employees Canteen @ Croc Park |
Employees Canteen sa Crocodile Park. self service isang simpleng kainan na ang likod eh ilog. as in self-service. Tinanong ko kung ano na available na almusal. Pritong Itlog, Lumpiang shanghai and Rice palang. Pede narin panawid gutom. Masarap naman lalo na yung local coffee nila the "altura" coffee. isang lokal na kape na nanggagaling sa bundok ng APO. Busog!!
07:30 may dumating na isang grupo. kumain din sila.May kumakain na ibang empleyado kaya nagpasya nako tumayo para magamit nila ang mesang ginamit ko. Medyo maliit lang kasi yung kainan. Lakad lakad sa paligid, bale nasa likod yung canteen ng Crocodile park, kahilera yung RIVERWALK CAFE' and isa pang kainan na pag aari din ng crocodile park. may dumating uli na dalawang babae na sa palagay ko eh mag rafting din. bumalik nako sa main gate ng park at nagpasyang dun nalng mag intay ng oras. Oras ng dating ng mga empleyado sakay ng motor karaniwan diretso time-in sakay uli ng motor punta sa likod yung iba, yung iba pasok na sa park. Tagal kong nakaupo dun. 08:00 lumipat nrin yung grupo ng limang kalalakihan sa harap, may dumating uli na grupo ng 3 lalake at 2 babae. Diretso sila sa cashier tapos pasok n ng park.Kaya pumunta ko ng cashier and tanong na kung dun din ang bayaran ng mag Rafting. Bayad ng PhP2,000.00 tapos diretso na pasok sa park at itinuro ng guardya kung saan ako punta. Daraan mo ang ibat ibang klase ng hayop papunta sa opisina ng WAter rafting syempre ang mga buwaya. pag pasok ko palang at inabot yung resibo binati nako ni Arthur Abogado (Atoy). "Sir rafael?" good morning po! Pinaupo muna nya ko at pinayuhang magpalit na ng damit na pang rafting. Pagkapalit inabutan nya ko ng susi para sa locker na pagtataguan ng mga mahahalagang gamit at yung bag na di kasya itinabi nya. Binigyan ako ng life jacket at sinukat ang kasyang helmet. inaabot ko yung susi kasi baka mawala ko sa rafting pero ikinabit nya sa lifejacket o kung gusto ko daw iwan ko sa raft guide ko.
Paddles |
Head Gears |
Life Jacket |
Atoy's Orientation |
Big Shuttle loads |
My Group.. Ferds, Vance, Wong d guide and ME |
Inipon kami sa tabi ng ilog dala ang life jacket at mga helmet namin para sa isa pang briefing.
Si Cokie.. sya ang nagturo ng tamang pagsusuot ng life jacket na kumuha pa ng volunteer na si John Loyd ( di nya tunay na panaglan, iyon ang tawag sa kanya mga kasama nya). isa lang natatandaan ko na sinabi nya ingatan ng mga lalake ang pagkakabit ng ng strap na iikot sa bewang papunta sa hita baka magkamali ng hatak eh masira ang future " YOU KNOW" ( with manny pacmac accent) isang nakakaliw na pagtuturo ang ginawa ni cokie. Pinakilala narin ang mga kukuha ng larawan samin. Si Cokie at si Adam.
Si Cokie giving another orientation |
Time for rafting!!! Binigyan na kami ng tigi tigisang paddle.Naghiwa hiwalay na kami bawat grupo with the guide and its time for Wong brief discussion. Kung ano ang dapat gawin pag nalaglag sa Raft, paano ang tamang posisyon ng pag float, what to do for every situation. "during "cup size" ( the raft flips upside down) my main concern is the raft and not you, coz how can i pick you up if we dont have the raft" as Wong says.
Our Guide Wong giving a group orientation |
Proper way |
Hawak ang paddle na nakapatong sa dibdib na nakatihaya. yan ang tamang posisyon. Umaatake narin ang mga Paparazzi si Cokie. Itinuro narin ni Wong ang tamang pagkuha ng tao na nasa tubig paakyat sa raft.
Lifting |
Hihilahin mo sya sa strap ng sa may bandang balikat. Pero mag ingat ang mga kalalakihan at iposisyon muna ang strap na nasa hita/singit kasi mahihila to kung ayaw mong mawalan ng kinabukasan. Di ganong kalakas ang mga rapids as what Wong says. Mas oks daw mag rafting sa pagitang ng mga buwan ng Hulyo hanggang Octubre kung gusto mo talaganag maranasan ang malulupit na rapids. Pero nakakatakot parin ang bawat rapids na nadaraaan nmin. Bawat hampas ng tubig, hampas sa bato. Pag may rapids na sususungin wala kang maririnig samin kundi hiyaw at tili, ay hiyaw at tili lang pala ni Vance na wala pa yung rapids sumisigaw na. Sabi ko sa kanya may early warning n kami pag may rapids na medyo matatantya na tataog kami. Tingin ko ksi itinatalikod ako ni wong lagi sa rapids para di ko makontra sinusubukan nya ksi na tumaog ( mas oks daw pag naranasan yun) pero pag medyo nasa payapang parte kami ng ilog kwentuhan ang inaatupag nmin.
the 1st 3 groups |
Oks ksi na guide si Wong madaldal and pinapakita at pinapaliwang nya lahat ng tanong mo. Next activity.. drifting, ito yung may mabilis na agos ng tubig pero ala namn ganong bato, bababa ka sa tubig at pagpapagos. Dapat ang posisyon mo yung floating na itinuro nya kanina pero dapat nakaharap ko kung saan papunta ang agos para nakikita mo kung saan ka papunta at wag ibuka ang hita ksi baka may bato delikado n pag nasentrohan ka :) Nakakapagod din ang magpaddle kahit sa katotohanang di ka namn nagpapaddle ng sobra at matinding lakas ng guide ang kinakailangan kasi sya yung nag dadala ng raft kung san man papunta. Konting tulong lang baga sa pagpaddle. Sobrang saya bawat rapids na tagumpay nyong madadaan na di kayo tumataob na halos magkabungguan na kayo at mapuno ng tubig ang raft. Habang nakaabang sayo si Cokie o si Adam na kinukuhanan kami ng picture.
HIGH FIVE!!!! |
Wooooooooooo |
Lunch Time, narating na nmin yung lugar ng kakainan isang mabato na may konting lilim at konting damo.Binaba na ni Wong yung pagkain namin na nakalagay na sa isang take-away container bawat isa. Sobra ko nagutom sa pag raft.
Lunch Area..just look for a good spot |
LUNCH |
Oks yung hinanda nila lunch. Rice, Meat balls, chicken adobo, at isang bote ng tubig. sarap kumain may kasama naman na isang kutsara na plastic pero mas oks mag kamay. bigla ko nabusog sa dami siguro ng tubig na nainom galing sa ilog. heheheh!! Ibinigay ko nalang yung di ko naubos n rice kina Wong and sa mga kasama nila guide.
JUMP SHOT!! |
My Group @ Lunch Area |
Sa pagkakakwento nya mukhang private yung kinukuhanan nya pero ala namn kumukuha nun kaya kinukuha nalang nya kesa mabulok. Not sure bout sa Amout pero round 200 ata nya nabebenta kada sako. Not really sure.Kanya kanya pang grupo pinabayaan ko muna ang mag asawang Vance and Ferds na magkasama kaya naupo muna ko sa batuhan na sinundan nman ako agad ni Cokie d paparazzi para kunan ng picture.Ilang minuto lang nagliligpit na yung mga guide ng lahat ng kalat, sabi nga nila dadalhin lahat ng bitbit at walang iiwan sa ilog lalo na ang mga basura. "good Attitude of Davaenos" and if may hawak ka na basura kunin nila sayo and sila na daw ang bahala.
Rafting time again after Lunch |
HIgh FIve |
nakaumang na agad pala ang isang rapids na medyo malakas. makikita sa di kalayuan ang ilang rafts na parang tumatalbog lang sa alon at hiyawan ng ilan. Mukhang masarap dun ahh..sumunod yung grupo nung mga nakashades. Medyo nakakanerbyos na yung itsura nung raft nila nung dumaan sa mga rapids. pagkakataon namn nmin hehehe.. medyo nakakatakot talaga lalo na yung papalapit kana sa mga agos.
Splashhhhhh!!! |
Baha na sa RAFT |
Naubos ata ng lakas ko dun. medyo nerbyos din yung isiping tataob ka sa ganong kabagsik na agos. nakakahingal. pero masaya kasi after malusutan ang agos mapapahiyaw ka talaga pag sumigaw na si Wong ng "HIGH FIVE" wooooooooooo yan lang ang lagi ko nasasabi madami na namn ako nainom ata na tubig. heheheh!!
malapit lang samin kasunod nmin yung grupo nina
A.K.A. John Loyd "daw". na pinakamagulong grupo na puro kalalakihan. pagdating dun sa may bato na bababa na yung raft sa medyo pahukay tumaob sila.
High Five after Breathtaking Rapids |
Cup Size RAFT of John Loyd Group!! |
One member asking for lift and wanna join our raft!! |
Nagpanic sila di alam kung saan magpupunta. Di na naisip kung ano ang tamang gagawin pag tumaob. Pero tawanan parin ng tawanan. Yung isa sumampa sa nakataopb na raft. Pinaayos sila kasi nakaumang na yung isang level pa ng rapis. Matitigas ang ulo kaya pinabayaan nalang... Ayun. ewan ko lang kung may nasaktan sa kanila nung dumaana sa medyo Hard level na rapids. Ala namang umaamin na nasaktan. Tuloy ang paagos nila yung isa nagpatulong na samin at sa raft na nmin sumakay. Nung medyo di na malakas ang agos unti unti n sila nagbalikan sa raft nila at halos mahirapan ang lahat sa pagsampa. Naubos ang mga lakas. hahahah!!
@ the cave |
Dumaan kami sa isang maliit na kweba pinasok lahat ng raft ng lahat ng grupo. Picture picture!! Di ko alam kung oks ba o hindi na di kami nag cup size. kasi iba parin pakiramdam syempre ng ganun kaso nga magaling ibalanse ni Vance yung raft alam nya kung saan sya punta pag tataob na ang raft kaya nakokontra nya. heheheh!!. Drifting time again. Nag drifting si Ferds pero naiwan si Vance kasi natatakot sya sinamahan sya ni Wong kaya naiwan ako mag-isa sa raft and medyo nahirapan ako kontrolin yung raft.. Umiikot ako habang umuusad.
Me alone @ the raft..SUGOD!!! |
Medyo matagal sila nag drifting gang sa ma manage ko na yung raft. pagkaakyat nila sa raft its my turn naman ng dahil sa kaungasan ginawa ko uli yung Diver way on going into the water. Ayun pag baligtad ko papunta sa tubig at sa lakas ng agos dalawang beses ako umikot sa ilalim at naramdaman kong tumama yung helmet ko sa ilalim.. hehehhe!! epal kasi! marami pang nadaanang mababangis na rapids, paddle.. paddle..sigaw.. tawanan... ang saya kahit medyo umiinit na at nabibilad na kmi ng todo..
Isang malakas na rapids na namn ang nakikita ko sa di kalayuaan pinaghandaan ko nato.. hehehe!! paglapit nmin medyo sobrang laks ng agos talaga. Sabay ang paddle forward para makasampa kami sa bato. sa sobrang lakas ng agos o nakanto ko sa bato. Nabali yung paddle na hawak ko . Ibinalik ko sya para matuwid at tuloy parin sa sa pag paddle pero tuluyan na syang nabali.. hehehhe!! Kinuha ni Wong yung paddle at naghanap ng extrang paddle sa ibang raft kasi kailanagn daw na mag paddle sa harapan dahil medyo malakas na rapids pa ang kasunod nakakita namn sya sa isang raft ng extra paddle pero sobrang liit. Nagpalit kami ni Vance na di halos umaabot sa tubig yung paddle.. hehehhe!! Sabi ni vane ayan magbayad ka uli ng 2k kasi yun yung presyo ng paddle. hahhaha!! Nakakapagod ang maghapon nato peto sobrang saya...
Having a Hard Time paddling. Look @ Vance small paddle! hehehehe!! |
all tired after the activity yet manage to smile!! |
Pagdating sa put out nakaabang na yung shuttle na sinakyan namin kanina. Picture picture uli. nagbanlaw ng konti dun sa CR dun pero ala namn gaano tubig mas oks pa magbanlaw sa ilog kinuha ko yung gamit ko then palit nga damit. mas mabilis yung byahe nmin pabalik ngayun, pero medyo maputik at maalikabok yung dinaanan ngayun. kaya medyo pagod kana tapos makalog pa yung sinasakyan mo ngayun tapos maalikabok pa. Sa sobrang pagod halos lahat nakatulog sa byahe pabalik.
MY rafting Buddies VANCE and FERDS!!! |
Para sa iba pang Picture ng "RAFTING ACTIONs" check nalng po to http://www.facebook.com/album.php?id=617942429&aid=295075
Nakabalik kmi sa Croc Park bago mag 5:00 ng hapon. Maririnig mo na sa paligid na start na yung animal show. Banlaw bihis tapos inabot na ni Atoy yung souveneir shirt and yung cd pictures ng activity habang nag-aayos play na nila yung video din ng activity nmin.Gala muna ko sa paligid. Inabutan ko na may nagpapapicture dun sa ahas na kulay dilaw, yung hawk na madaming tricks na kayang gawin. May usapan kasi kami nina Vance and Ferds na mag Zip line sa ZipCity zipcity.psdgroupph.com/ may libre kasi kami ticket na kasama sa package ng Rafting. Nanood muna kami ng animal show si Pangil na kasi ang may Show nung oras nayun.. ang Star ng Croc park isang buod laking buwaya. Pati yung mga sumasayaw daw na buwaya ksi pinapahabol nina yung karne na nasa taas kaya makikita mo kung gano kalakas lumalon ang buwaya. Umuulan nun pero pinagpasyahan parin nmin tumulak papuntang zip city. pagdating nmin sa Zip city si Ferds nalang ang bumaba para itanong kung mag pa zip line pa. Sya lang kasi may dala kapote ( di sya masyadong handa) pag daw tumila ang ulan. Pero mukhang alang balak tumila ang ulan kaya napagpasyahan namin bumalik nalang sa Croc Park at kumain sa RIVERWALK GRILL riverwalk.psdgroupph.com/ sila yung ngaseserve ng exotic foods like crocodile and ostrich. Pagdating nmin sa lugar kumakain pa dun yung isang grupo na nakasama nmin sa rafting. Dont remember any single name. Natatandaan ko lang na yung kasama nilang isa eh taga davao and pang apat na beses na nyang nag rafting and oks nga daw mag rafting pag rainy season ksi malalaks yung rapids. Order na kami ng Food. Sinubukan nmin yung Crocodile Spare Ribs and Ostrick steak. oks namn sya lasang karne what do you expect. Pero si Vance parang may ibang nalasahan sa Ostrich. After eating tayo na kami round 6:00 na ng gabi nun and ang worry namin eh wala ng taxi na pumapasok sa croc park. Pero may phone na pedeng tumawag ka sa taxi and in less than 5 minutes dumating na yung pinatawag na taxi without extra charge oks di ba. Nag dedesisyon pa kami kung balik ng zip city ksi ala ng ulan pero pagod na rin ako and need to check may hotel availablity pa. Ibinaba ako nina Vance and Ferds sa may tapat ng Gaisano mall sa pag aakalang dun malapit yung Hotel ko. Pero sa Victoria mall pala sya malapit kaya nag jeep pako pabalik and tanong tanong. Nag stay ako sa Sychar Garden Hotel. Php 780.00 per night ang rate nila for single bedroom.binayaran ko nayung for two nights. Pinili ko yung sa may bandang likod as what ive read sa blog kasi maingay sa harapan dinig mo daw yung mga sasakayan. Oks namn yung room not that extravagant pero what do you expect sa 780.00 pero malinis namn talaga at try ko yung shower as what one blogger says as well na dito kalang babawi sa shower nila na malakas talaga with hot/cold and ang katotohanang nasa heart of the city talaga sya tapos mura pa. Naligo ako tapos bumaba uli and humanap ng computer shop na may CD reader pero nabigo sa tatlong pinagtanungan ko balak ko na ksi i upload yung rafting activity ko (excited). Pabalik nadaana ko yung Mc donalds na malapit ng hotel. Order ako ng Chicken Meal and i may "miss isang 2 pieces chicken without rice" tapos sagot sya ng "yes sir its 2 piece chicken with fries" and sagot naman ako ng "NO just the 2 pieces chicken without rice" at sumagot pa uli ang magaling ng "yes sir the two pieces chicken is really serve without fries". kaya sumagot nako ng ayoko ng rice,diniinan ko yung pagsasalita ng rice sumagot uli sya ng "may kasama daw talagang rice yun, kaya sinabi ko na just get rid of it. at sumagot na namn sya ng "ok sir you need two pieces chicken without rice".. pause for a while and says "sigurado kayo sir ayaw nyo ng rice?" nginitian ko nalng sya ng ubod taimis para tumigil na. 07:30pm Pagkain diretso sa hotel, kinuha ko sa counter yung susi and ask kung may nagmamasahe ba dun. meron daw pero di sa kanila manggagaling kukuha sila sa iba. Sabi ko magpa-akyat sakin after 15 minutes tawagan nalang daw ako and it worth PhP 500.00. Inisip ko pamasahe muna ko tapos labas ako maya para uminom may nakita ko poster ng Bar sa Croc Park na hawak din nila. Kaya text ko si ever helpful and most accumadating atoy of WHITE river rafting about the address of the 138 bar. Reply sya agad and says na iba na ang pangalan ng bar nakalimutan ko na yung text nya nyun. After 10 minutes tumunog na yung phone sa desk. Ask nung sa front desk kung pede daw ba na paakyatin yung masahista. Nagmasahe sya and sa sobrang pagod ko namalayan ko nalang na ginigising nya ko at sinabing sir tapos napo. Binigay ko na sa kanya yung pera bago sya magmasahe. Di ko na sya tiningnan and sinabi ko sa kanya na ok and paki lock nalang yung pinto kasi antok na antok ako. Nagising ako ng 12:30 am and inisip ko kung lalabas pako.. mas pinili kong matulog para makabawi sa masayang nakakapagod na maghapong nagdaan.......
Davao Wildwater Adventure Rafting Company!
Tel no. 082 221823/082 2861055
Arthur 0920 9546898/09228569790
Ruel 0920 9546897/09236586048
Rates and Itinerary
PhP 2,00.00
Inclusive of:
Transportation (From Crocodile Park to Rafting Area and back)Packed Lunch & Bottled Water
Use of Gears & Equipment
Raft guide
Souvenir Shirt
Documentation (2 Disc per group of 6)
Ticket to ZIP CITY, butterfly park and one cultural show
ITINERARY
08:00 am Assembly at Crocodile Park
09:30 am Departure
10:30 am Arrival at Put In area, Tamugan
11:00 am Start of Rafting
12:00 nn Lunch
03:00 pm Arrival at Take Out area, Purok 8, Lacson
03:30 pm Departure for Crocodile Park
04:30 pm Arrival at Crocodile Park
09:30 am Departure
10:30 am Arrival at Put In area, Tamugan
11:00 am Start of Rafting
12:00 nn Lunch
03:00 pm Arrival at Take Out area, Purok 8, Lacson
03:30 pm Departure for Crocodile Park
04:30 pm Arrival at Crocodile Park
Sychar Garden Hotel.
Locate. J.P. Laurel Ave. , Bajada Davao City
Locate. J.P. Laurel Ave. , Bajada Davao City
Tel Number: (082) 224-0603.
Beside Gas station and Near Victoria mall
No comments:
Post a Comment